Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) na maglunsad ng malawakang manhunt para sa mga convicted leaders ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) na sina Benito at Wilma Tiamzon.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, nananatiling ‘at large’ ang mag-asawang Tiamzon matapos hatulan ng reclusion perpetua o 40 taong pagkakakulong ng Quezon City court dahil sa kasong kidnapping at illegal detention.
Tingin ng kalihim, ginamit lamang ng CPP-NPA ang usapang pangkapayapaan para linlangin ang gobyerno at mapalaya ang mag-asawang Tiamzon para makabalik sa underground movement at pamunuan ang armadong pakikibaka.
Pero tiniyak ni Año na mahuhuli rin ang mga ito sa lalong madaling panahon lalo na at nananatili pa rin ang mag-asawa sa bansa.
Isang tagumpay sa hustisya ang conviction sa mag-asawang Tiamzon.