Tiniyak ng Department of Interior and Local Government (DILG) na walang mangyayaring cover-up sa kaso ng pagpatay kay PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Nabatid na namatay sa hazing ang Kadete.
Ayon kay DILG Usec. Eduardo Año, inatasan na niya ang PNP Cordillera na panagutin ang mga nasa likod nito.
Sinabi naman ni AFP Spokesperson, Brig/Gen. Edgard Arevalo, dalawang ground commanders ang ni-relieve sa pwesto para bigyang daan ang patas na imbestigasyon.
Iginiit naman ni PNP Chief, P/Gen. Oscar Albayalde, maituturing na henious crime ang hazing.
Maliban sa tatlong ikinukunsiderang suspek, dalawang Kadete pa ang itinuturing na persons of interest.
Facebook Comments