DILG, tiniyak natutugunan ang reklamo sa cash aid distribution sa pamamagitan ng grievance committees

Tiniyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang lahat ng reklamo at apela ng mga residente sa NCR+ bubble patungkol sa pamamahagi ng ayuda sa nireresolba.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, ang mga Local Government Units (LGUs) ay may kanya-kanyang grievance committee para agad na maresolba ang mga isyu sa cash aid distribution.

Batid nila na may ilang government personnel ang nakatanggap ng ayuda.


Pero ipinauubaya na nila sa mga LGU kung sinu-sino ang nararapat na mabigyan ng ayuda.

Nabatid na ₱4.47 billion na halaga ng cash assistance ang naipaabot sa mga kwalipikadong residente sa Metro Manila.

Ang mga NCR mayors, si DILG Secretary Eduardo Año, at si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rolando Bautista ay magpupulong ngayong araw para talakayin kung palalawigin ang pamamahagi ng cash payout.

Facebook Comments