DILG, tinututukan na ang pamamaril at pagpatay sa local radio broadcaster sa Misamis Occidental

Kinondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamamaril at pagpatay sa local radio broadcaster na si Juan Jumalon sa Misamis Occidental.

Sa isang pahayag, sinabi ni Interior Secretary Benhur Abalos na walang puwang sa isang demokrasyang lipunan ang ganitong brutal na pagpatay.

Ani Abalos, isang direktang pag-atake sa kalayaan sa pamamahayag ang nangyaring pagpatay kay Jumaon.


Sa ngayon, nakatutok na ang DILG sa kaso.

Ayon kay Abalos, mayroon nang computerized facial sketch ang isa sa mga suspek at sinusuri na rin ng PNP Regional Anti-Cybercrime Unit ang CCTV footages na narekober.

Umaasa ang kalihim na magkakaroon na ng resulta sa lalong madaling panahon ang mga isinasagawang imbestigasyon.

Facebook Comments