DILG, tutulong na rin para hikayatin ang publiko sa vaccination program ng pamahalaan

Manila, Philippines – Tutulong na rin ang Department of the Interior and Local Government o DILG para tugunan ang lumalalang problema sa tigdas sa bansa.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, tutulong na rin sila sa kampaniya para bumalik ang tiwala ng publiko sa vaccination program ng pamahalan.

Aniya, dapat bumaba sa barangay level ang mga awtoridad para direktang maipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng bakuna sa kalusugan.


Gayunman, aminado ang kalihim na malaking hamon ito dahil kailangan nilang muling ligawan ang publiko para makuha ang kanilang tiwala.

Facebook Comments