DILG validation team, sinuyod ang mga primary roads sa QC

Sinuyod ng DILG validation team ang mahigit tatlumpung pangunahing lansangan sa Quezon City upang siyasatin kung nakapasa ito sa clearing operation.

Nagsimula ang validation team na nagsiyasat sa mga Mabuhay Lanes nagsimula sa Mindanao Avenue at nagtapos sa Katipunan avenue.

Isinunod ng team ang Quezon City Bayanihan sa Lansangan Network at mga national roads.


Hindi pa natatapos ang maghapon ay natapos na ang isinagawa validation ng DILG.

Ayon kay Arthur Marc Caras, local government operations officer ng DILG-NCR, apat na team ang hiwa-hiwalay na nag-validate sa mga major roads sa Quezon City.

Aniya, iko-consolidate muna nila ang mga report at saka ilalabas ang pinal na ulat sa Biyernes, October 4.

Kuntento naman ang validation team sa kanilang nakitang nalinis at napaluwag na kalsada.

Ipinagmalaki naman ni Quezon City traffic czar Ariel Inton na magmula nang umarangkada ang clearing operation ay hindi na bumalik pa ang mga vendors at mga illegal na nagparada.

Facebook Comments