DILG, wala pang namo-monitor na ginagamit ng mga pulitiko ang COVID-19 response para sa 2022 elections

Wala pang naitatala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na insidente ng mga pulitikong ginagamit ang COVID-19 response para i-promote ang kanilang mga sarili sa nalalapit na May 2022 elections.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, wala pang naiuulat na may mga local officials na sinasamantala ang pamamahagi ng cash assistance sa mga mahihirap at vaccination program para sa kanilang political interest.

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act, ipinagbabawal ang paglalagay ng pangalan, litrato ng sinumang public officials sa mga government projects.


Facebook Comments