
Sisimulan na ang malawakang rehabilitasyon ng Dimasalang Bridge simula alas-11 ng gabi sa Linggo, September 14.
Ayon sa Department of Public Works and Highways–North Manila District Engineering Office, ito ay matapos makakuha ng clearance mula sa lokal na pamahalaan ng Maynila at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Kabilang sa gagawin ang retrofitting ng mga piers at abutments, pagpapalit ng high quality steel girders mula sa lumang kongkreto at pagsasagawa ng kumpletong redecking ng slab.
Dahil dito, isasara ang southbound lane ng tulay, habang mananatiling bukas ang northbound para sa mga motorista.
Tatagal ang proyekto hanggang December 15 kung kaya’t ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta upang makaiwas sa mabigat na trapiko.
Ayon sa DPWH, layon ng proyekto na isaayos ang mga sira at patatagin ang integridad ng tulay para sa kaligtasan ng publiko.









