Daniela Mondragon, may mensahe sa fans na tinagurian siyang “Meme Queen”

Nagpasalamat si Dimples Romana sa kaniyang fans na patuloy pa rin siyang sinusuportahan sa mga proyektong binibigay sa kaniya ng network.

Sa caption niya sa isang Instagram post, “@dimplesromana: You guys 💋❤️😘💯 Trending Amanda in The Greatest Love, Trending Babaylan in Bagani and now Daniela in Kadenang Ginto ❤️❤️❤️ Ang sarap nyong magmahal my KG fans!!! Fun, creative and super certified Pinoy humor ❤️👍 Tama ito! Let’s flood the world with happiness and positivity 😊 ang galing galing ninyo!!!! Happy na happy ako 🌹😊”


Viral noon ang naging chant niya bilang Gloria na Babaylan sa proyektong Bagani na “Mekeni Mekeni Tug Tug Do Re Mi.”

Nag-viral din ang wig niya sa Kadenang Ginto na gumaganap siya bilang Daniela Mondragon, pati ang “Don’t do that” scene kasama si Albert Martinez at ang kamakailan lamang na nakapulang damit, luggage at lipstick siya na inedit ng mga netizen sa iba’t ibang lugar.

Facebook Comments