DINAAN SA BIRO | PRRD, pabirong sinisi sa mga drug addict ang kakulangan ng bigas

Manila, Philippines – Pabirong sinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga drug addict kaya kinapos sa murang bigas sa bansa.

Ito ang pabirong pahayag ng Pangulo sa panunumpa ng mga bagong Career Executive Service Officers (CESOs) sa Malacañang.

Ayon sa Pangulo, pag-upo niya sa puwesto ay pinabuksan niya ang records ng pulisya at dito nalantad ang daan-daang libong mga drug addict.


Aniya, halos lahat ng mga lulong sa iligal na droga ay payat na payat at hindi kumakain dahil shabu ang nilalantakan ng mga ito.

Pero dahil isinailalim na sa rehabilitasyon ang mga sumukong drug addicts, kinapos na aniya sa supply ng bigas dahil kumakain na ang mga ito.

Sabi pa ng Pangulo, sa susunod kapag nagkaroon na naman ng krisis ay bibigyan ulit sila ng shabu at ang bigas ay ilalaan sa mga inosente at mga mabubuting mamamayan.

Facebook Comments