Dinagat Island, niyanig ng magnitude 4.5 na lindol

Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang Dinagat Island kaninang alas-3:13 ng hapon.

Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang episentro ng lindol na 27 km north east ng Basilisa, Dinagat Island.

May lalim itong 39 km at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Naramdaman ang Intensity 3 sa San Francisco, Southern Leyte.

Instrumental Intensity 3 – Surigao City; San Francisco, Southern Leyte.

Intensity 2 – Abuyog, Leyte

Intensity 1 – Saint Bernard at Sogod, Southern Leyte; Baybay City, Ilongos, at Dulag, Leyte; Cabadbaran, Agusan del Norte

Wala namang inaasahang aftershock sa pagyanig.

Facebook Comments