Dinagdag na pwersa mula sa Reactionary Standby Support Force ng PNP, hindi nagamit

Natuwa si Police B/Gen. Matthew Baccay, New Year’s Commander ng PNP Reactionary Standby Support Force o RSSF dahil naging mapayapa ang pagsalubong sa Bagong Taon.

Kaya naman hindi nagamit ang dagdag pwersa na ideneploy sakaling mayroong malaking insidente sa iba’t ibang distrito sa Metro Manila.

Ayon kay Baccay, nananatili sa Camp Crame ang 250 mga pulis ng RSSF na hindi na nagamit.


Pero, nakaalerto pa rin ang mga ito hanggang ‪January 5 sakaling kailanganin.

Dagdag pa niya, araw araw sila nasasagawa ng accounting of personnel para masiguro ang kahandaan ng reserve force.

Facebook Comments