DINAGDAGAN | 2 pang Malasakit Center, bubuksan sa QC

29

Quezon City – Dalawa pang Malasakit Center Hospital ang bubuksan sa Quezon City sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.

Ayon kay dating Special Assistant to the President Christopher Bong Go, ang dalawang Malasakit Center ay ilalagay sa Lung Center of the Philippines at Novaliches District Hospital.

Maaaring maka-avail ang sinumang indibidwal o kapos palad sa one stop shop lalo na kapag walang kakayahan sa gastusing medikal.

Hindi na kailangang magtungo pa sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ang mga tao para pumila at humingi ng tulong.

Sa kasalukuyan may 17 Malasakit Center ang naitatag na sa buong Pilipinas kabilang ang nasa Philippine General Hospital sa Maynila.

Facebook Comments