Manila, Philippines – Tinaasan ng MMDA ang multa para sa mga sumusuway sa yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.
Mula sa dating P200, isang libo na ang multa para sa mga city buses na lalabas sa polisiya habang P500 naman sa mga private car owners.
Paalala ni MMDA Spokesperson Celine Pialago – dapat na manatili sa kanilang designated lanes ang mga pribadong kotse dahil ito ang bumubuo sa 80 hanggang 90 percent ng mga sasakyang dumaraan sa EDSA.
Bukod sa mga traffic enforcers ng MMDA, may mga surveillance camera rin sa kahabaan ng EDSA para matukoy ang mga lumalabag sa batas-trapiko.
Facebook Comments