Manila, Philippines – Umabot sa mahigit limang libo ang mga deboto ng Mahal na birheng Maria ang dumagsa sa Luneta Grandstand kaugnay ng ika-400 taong Anibersaryo ng Mt. Carmel De San Sebastian ngayong araw.
Ayon kay MPD District Director Chief Supt. Joel Coronel, nasa mahigit 2,000 bilang ng Pulis Maynila ang kanilang ipinakalat sa bahagi pa lamang ng Qurino Grandstand sa Traslacion ng imahe ng Our Lady of Mt. Carmel De San Sebastian na dadaan din ng simbahan ng Quiapo bago tumuloy sa San Sebastian Basilica kung saan sa pagtaya ng MPD nasa kalahating milyong deboto ng birhen Maria , ang dumalo sa ika 400 taong Anibersaryo ng mahal na birheng Maria.
Kaninang alas-singko ng umaga ay nagkaroon ng fluvial parade ang Our Lady of Mt. Carmel De San Sebastian kung saan isinakay ang imahe ng birheng Maria sa isang barko sa Philippine Coast Guard Head Quarters at ipinarada patungo ng Quirino Grandstand kung saan ginanap ang isang high mass bago ang prusisyon patungo ng simbahan ng Quiapo.
Kabilang sa ruta ng prusisyon mula sa Quirino Grandstand ay ang Katigbak Drive, Padre Burgos, Finance Road, Taft Avenue, Ayala Bridge, Carlos Palanca Street, Quezon Bridge Underpass, Villalobos, hanggang makarating sa Quipao church kung saan dudungaw ang imahe ng itim na Nazareno.