Umabot kasi sa 883 ang kabuuang bilang ng mga nagparehistrong aplikante kung saan 671 dito ay ‘for final interview’ simula bukas hanggang sa susunod na linggo.
Labing walo naman ang hired on the spot na magsisimula na sa kani-kanilang orientation.
Karamihan sa mga nag-apply ay nagtapos ng vocational course, senior high school, college grad at undergraduate.
Nasa 19-anyos hanggang 54-anyos ang mga aplikante na karamihan ay sa CDO habang dumayo din ang ilan mula pa sa Butuan, Ozamis Oriental, Bukidnon, Iligan at Ozamis City.
Batay sa record ng Public Employment Service Office Cagayan De Oro, maituturing na tagumpay ang nasabing job fair dahil sa mainit na pagtanggap ng mga Cagayanon sa Radyo Trabaho.
Para naman kay RMN VP for Content Marketing Erika Canoy-Sanchez, simula pa lamang ito sa mga proyektong aabangan sa RMN Networks.
Samantala, kabilang sa mga naging panauhing pandangal kahapon si Cagayan De Oro City PESO Manager Kate Sorilla, Coun. Gorge Goking,
DOLE Field Office Chief Ebba Borbon Acosta at Enrico Canoy, RMN VP for Operations.