Manila, Philippines – Nakamit ng Commission on Elections (COMELEC) ang ‘robust turnout’ sa unang araw ng voters registration lalo na sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, pagbukas pa lang ng ilang field offices sa NCR ay sinalubong na ng mahabang pila ng mga gustong magparehistro.
Aniya, indikasyon ito na pagkasigasig ng mga Pilipino na makilahok sa electoral process.
Magtatagal ang voters registration hanggang September 29, 2018.
Ang mga Offices of the Election Officer (OEO) ay bukas mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, Lunes hanggang Biyernes hanggang holidays.
Facebook Comments