Manila, Philippines – Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) ang isang madreng Australian Citizen sa Project 2, Quezon City.
Nakilala ang 71-anyos na madre na si Sister Patricia Fox na isang human rights advocate at misyonaryo ng Sisters of Our Lady of Sion.
Ayon kay Atty. Antonette Mangrobang, tagapagsalita ng immigration dinakip nila ang madre sa bisa ng mission order na ipinalabas ni Commissioner Jaime Morente.
Hindi pa naman naglalabas ng buong detalye ang Bureau of Immigration (BI) hinggil sa pagkakaresto kay Sister Fox dahil tinatapos pa nila ang kanilang report at documentation process.
Si Fox ay mayroong missionary visa at 27 taon nang naninirahan sa Pilipinas kung saan valid ito hanggang September 2018.
Facebook Comments