DINAKIP | Live in partner ni Ardot Parojinog, inaresto ng PNP

Manila, Philippines – Dinakip ng pinagsanib ng pwersa ng mga tauhan ng Paranaque City Police Station, Directorate for Intelligence at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang live in partner ng high value drug target na si Ricardo “Ardot” Parojinog, na unang naaresto sa Taiwan.

Kinilala ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde ang suspek na si Mena Luansing, na inaresto sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng RTC branch 15 ng Ozamiz city dahil sa illegal possesion of firearms and explosives.

Si Luansing ay inaresto kahapon ng alas 7 ng umaga sa kanyang tahanan sa Belisario compound, San Isidro Paranaque kasama Ang isang Jonas Galamitan Cablitas, na umanoy nagkakanlong sa suspek.


Ayon Kay Albayalde, si Luansing ay dati ring provincial board member ng Misamis Occidental tulad ni Ardot, na nag-resign sa pwesto.

Si Luansing at Ardot, ay kapwa nahaharap sa parehong mga kaso.

Si Ardot ay arestado na sa Taiwan at nahaharap sa kasong illegal entry sa bansa.

Facebook Comments