DINAKIP | NDFP consultant, arestado!

Manila, Philippines – Kinumpirma ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) National Executive Committee Member Luis Jalandoni na inaresto si NDFP Consultant Rafael Baylosis ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group National Capital Region (CIDG-NCR) sa Katipunan Road, Quezon City kagabi.

Maliban kay Baylosis, sinabi ni Jalandoni na dinakip din ng mga otoridad ang kaniyang kasama na pinangalanan lamang na ‘Jun’.

Kasabay nito, mariing kinondena ng NDFP ang nasabing hakbang at sinabing malinaw itong paglabag sa Government Republic of the Philippines NDFP joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG).


Si Baylosis ay miyembro ng NDFP Reciprocal Working Group on Political and Constitutional Reforms.

Nanawagan naman si Jalandoni sa pamahalaan na agad palayain si Baylosis at ang kaniyang kasama.

Facebook Comments