Manila, Philippines – Tinatayang 126 na katao ang dinampot ng Manila Police District dahil sa paglabag sa mga Ordinansa ng Lungsod mula alas singko ng umaga kahapon hanggang alas singko ng umaga ngayon (11/20/18).
Kabilang sa mga ordinansang ito ay ang pag-inom ng alak sa lansangan, paglalakad ng nakahubad at paninigarilyo sa mga pampublikong lugar.
Kaugnay nito patuloy ang babala ng MPD sa mga residente ng Maynila na higit na paiigtingin ang Anti Criminality Campaign sa Kamaynilaan.
Samantala, bagaman hindi tumututol ay ilang pulis na rin ang nagsasabing mistulang sagabal lamang sa lehitimo nilang operasyon lalo na at kinakain ang kanilang oras sa pagpapa-medical check up sa mga inaarestong indibidwal.
Facebook Comments