DINAMPOT | Mga palaboy, pinagdadampot ng Manila Department of Social Welfare

Manila, Philippines – Muling binulabog ng Manila Department of Social Welfare ang mga palaboy sa lansangan na natutulog sa mga bangketa sa lungsod Manila.

Ayon kay MDSW Chief Naneth Tanyag ang 30 mga palaboy na kanilang pinagdadampot ay dadalhin pansamantala sa Recreation Action Center upang ma-imbestigahan kung mayroon pa silang mga magulang, mga kamag-anak,ilang taon na silang namalagi sa lansangan at iba pa.

Una rito sinuyod ng Manila Department Social Welfare katuwang ang mga tauhan ng Manila Police District at Dept Public Service ang kahabaan ng Aroceros, Bonifacio Drive, Taft Avenue at iba pang lugar kung saan pinagdadampot ang mga natutulog na namamalimos sa lansangan.


Maging ang mga kariton na nagsisilbing tulugan ng mga palaboy ay kinumpiska at isinakay sa mga truck ng DPS.

Gaya ng dati lahat ng kabataang nadampot ay dadalhin sa Recreation Action Center para imbestigahan bago dadalhin sa Manila Boys town Complex sa Marikina at ang iba naman ay dadalhin sa Jose Fabilla Center sa Mandaluyong City.

Facebook Comments