DINARAYO | World’s smallest mountain, sikat na atraksyon sa China

China – Para sa mga mahilig umakyat ng bundok, mas mataas mas challenging.

Pero alam niyo ba, isang bundok sa Shandong Province sa China ang dinarayo ng mga turista dahil sa sobrang liit nito.

Ito ay ang Jingshan Mountain na may sukat lang na 0.6 meters mula sa ground level!


Ang bundok na halos kasinglaki lang ng isang tipak ng bato at kayang-kayang akyatin ng isang hakbang lang ay ang kaisa-isang bundok sa Shoungguang District na nagsilbi na ring simbolo ng kanilang rehiyon.

Noong 1958, may nagtangka umanong magbungkal nito pero bigong makita ang pinakadulo o base ng bato kaya simula noon ay itinuring na itong bundok.

Sinasabing may taas na 48 meters ang Jingshan Mountain pero malaking bahagi nito ang nasa underground.

At bilang tourist attraction, bawal itong hukayin o magtayo ng anumang istruktura malapit dito.

Facebook Comments