Manila, Philippines – Magsasampa ng kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) sa harap ng pagdiin ng Philippine National Police (PNP) sa ilan nilang ahente sa kidnapping cases.
Partikukar ang pagbubunyag ni PNP chief Ronald Dela Rosa na tatlong NBI agents na sangkot sa pagdukot sa Koryanong si Lee Jung Dae noong November 24, 2017 sa Angeles City, Pampanga
Ayon kay NBI Director Dante Gierran, mismong ang NBI Regional Director at Acting Assistant Regional Director ng NBI-Central Luzon Regional Office (CELRO) ang nag-report sa kanya na wala silang ginagawang operasyon sa Pampanga o alinmang lugar sa Region 3 at lahat ng kanyang mga tauhan ay kumpleto.
Matatandaang isinangkot din ng PNP ang tatlong matataas na opisyal ng NBI sa pagdukot at pagpatay sa Koryanong si Jee Ick Joo na bandang huli ay pinawalang-sala ng Department of Justice.