Papahintulutan na sa ilalim ng 50% capacity simula sa June 16 ang mga dine-in restaurants at fastfood establishments.
Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang muling pagbabalik operasyon ng mga ito basta nasusunod ang minimum health protocols.
Ang ilan sa mga minimum safety requirements ay mga sumusunod:
– Mahalagang makikita ang mga information materials hinggil sa pagpapatupad ng “No mask, No entry,” social distancing, bilang ng mga customer na papayagang pumasok, regular sanitation, mode of payment, ordering at pick-up ng mga order.
– Kinakailangang magkaroon ng floor mat o foot bath, roving officer sa queuing area, calibrated thermal scanner para sa temperature reading, rubbing alcohol, at health checklist.
– Importante ang malinis na mga upuan at lamesa, isang-metro ang pagitan ng mga upuan at lamesa, proper dividers para sa face-to-face seating, floor markings, proper ventilation, sanitizing equipment, pagkakaroon ng food menu kada table, contactless na pag-oorder, paglalagay ng plastic sa ilang furniture, trash bins, malinis na banyo na may sabon, tubig, tissue at toilet paper.