Dine-in sa mga restaurant, pinayagan na hanggang alas- 9:00 ng gabi

Pinalawig hanggang alas-9:00 ng gabi ang dine-in sa mga restaurant.

Sa virtual press conference ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, inanunsyo nito na ni-relax ng gobyerno ang restrictions para sa food establishments.

Ito ay makaraang paigsiin ang ipinatutupad na curfew mula alas -10:00 ng gabi hanggang alas- 5:00 ng madaling araw, mula sa dating alas -8:00 ng gabi hanggang alas -5:00 ng umaga na curfew.


Nabatid na ang mga restaurant na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) areas ay pinapayagan ang hanggang 30% store capacity, habang sa Modified GCQ areas ay maaaring makapag-operate ng hanggang 50% ng kanilang store capacity.

Kinakailangan lamang sundin ng mga food establishment, maging ang mga customer ang minimum health standards tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face masks pagpapasok sa mga restaurant.

Facebook Comments