Maaari nang mag dine-in sa mga restaurant nang hanggang 50% capacity.
Sa ‘Laging Handa’ public press briefing, inanunsyo ni Trade Secretary Ramon Lopez na mula ito sa kasalukuyang 30% store capacity sa General Community Quarantine areas.
Ayon kay Lopez, epektibo ang bagong guidelines sa darating na July 21, 2020.
Para naman sa mga lugar na sakop ng Modified General Community Quarantine, mula sa dating 50% capacity, pagsapit ng July 21, 2020 ay maaari na itong maging 75% store capacity.
Kinakailangan lamang sundin ng mga food establishment, maging ng mga customers ang minimum health standards tulad ng physical distancing, pagsusuot ng face masks sa pagpapasok sa mga restaurant at kinakailangan ding may acrylic dividers sa mga lamesa.
Samantala, umaapela ang DTI sa mga Local Government Unit (LGU) na palawigin pa ang kanilang curfew hours nang hanggang alas-12:00 ng madaling araw imbes na alas-10 ng gabi.
Paliwanag ni Secretary Lopez, ito ay upang mapalawig din ng mga restaurant ang kanilang operasyon o makamit ang maximum operating hours na hanggang alas-10:00 o alas-11:00 ng gabi upang dagdag kita hindi lamang sa mga negosyante maging sa kanilang mga manggagawa habang unti-unting binubuksan at binubuhay ang ating ekonomiya.