Israel – Dumipensa ang Israel sa pagkakapatay ng mahigit limampung palestinians na nagsagawa ng kilos protesta bilang pagkondena sa paglipat ng US embassy sa Jerusalem mula sa Tel Aviv.
Ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, dumipensa lamang ang kanilang militar laban sa mga Hamas at Islamist rules na nais sirain ang kanilang bansa.
Tanging tear gas lamang daw ang gamit ng kanilang sundalo habang armado ng pampasabog at mga bato ang mga nagpoprotestang palestino.
Dagdag pa nito na mayroong mahigit na 40,000 Palestinians ang nagsagawa ng madugong riots sa labing tatlong lugar sa Gaza strip security fence.
Facebook Comments