Manila, Philippines – Dinepensahan ng Malacañang si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng panibago nitong ‘rape joke’.
Sa kanyang speech sa Mandaue City, matatandaang nagbiro ang Pangulo na maraming magagandang babae sa Davao City kaya mataas ang naitalang kaso ng rape sa lungsod.
Pero para kay Presidential Spokesperson Harry Roque – hindi na dapat pinapatulan ang mga ganitong biro ng Pangulo.
Dagdag pa ni Roque – nasa tamang edad naman si Pangulong Duterte para malaman ang kanyang limitasyon.
Hindi rin aniya maituturing na anti-women ang Pangulo dahil katunayan, ilan sa mga appointee niya mga babae gaya nina Chief Justice Teresita de Carpio, Tourism Sec. Bernadette Romulo-Puyat at si acting DSWD Sec. Virginia Orogo.
Matatandaang nag-demand ng public apoloy mula kay Pangulong Duterte ang ilang kongresista dahil sa naturang rape joke.