DINEPENSAHAN | Pagtalaga kay de Castro bilang Chief Justice, ipinagtanggol ni Sen. Gordon

Manila, Philippines – Idinipensa ni Senator Richard Gordon ang pagtalaga kay Associate Justice Teresita Leonardo-de Castro bilang bagong Chief Justice.

Apela ni Gordon sa publiko, bigyan ng tsansa si de Castro na magampanan ng maayos ang kanyang tungkulin.

Katwiran ni Gordon, panahon na para pamunuan ni de Castro ang hudikatura dahil sampung na itong nasa Supreme Court at dalawang beses ng nalampasan.


Paliwanag ni Gordon, ang pagpili kay de Castro ay base sa seniority, na isang tradisyong nasira nang italaga ni dating pangulong Noynoy Aquino si Sereno kahit junior magistrate lang ito.

Binigyang diin ni Gordon na hindi ito reward kay de Castro kapalit ng naging papel niya para mapatalsik si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Facebook Comments