Manila, Philippines – Para kay Senator Sherwin Gatchalian, hindi makatwirang ibunton ang lahat ng sisi kina Transportation Secretary Arthur Tugade at Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal.
Kaugnay ito sa nangyaring aberya sa operasyon ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA matapos sumadsad ang Xiamen aircraft.
Paliwanag ni Gatchalian, maraming dahilan na kailangang ikonsidera sa naging problema sa NAIA.
Kabilang sa tinukoy ni Gatchalian ang masamang lagay ng panahon, hindi sapat na kapasidad ng NAIA at ang libu-libo na dumagsang pasahero ng bawat airlines na kailangang asistehan.
Diin ni Gatchalian, ang insidente sa NAIA ay isang patunay na kailangan ng madaliin ng pamahalaan ang desisyon at mga hakbang sa pagtatayo ng dagdag at mas malalaking mga paliparan.
Nauna ng isinulong ng mga senador ang pag-develop sa Clark International Airport at pagtatayo ng bagong paliparan sa Bulacan.
Gayundin ang rehabilitasyon sa Subic Bay International Airport at paliparan sa Sangley Point, Cavite.