DINEPENSAHAN | Sen. Lacson, naninindigan sa halos P4.6 bilyong halaga ng bagong Senate building

Manila, Philippines – Ayaw nang patulan ni Senator Ping Lacson ang isang broadsheet columnist na bumabatikos sa itatayong bagong Senate building sa Taguig City simula sa susunod na taon.

Ayon kay Lacson ang sinabi niyang P4.58 billion na halaga ng proyekto ay base sa mga dokumentong isinumite ng nanalong designer, ang AECOM.

Paliwanag ng Senador, ang sinabi naman ni Manila Times columnist Bobi Tiglao ay base lang sa opinyon.


Depensa pa ni Lacson sa proyekto, halos dalawang dekada nang nagbabayad ang Senado ng P127 milyon para sa inookupahan nitong bahagi ng GSIS Building.

Dagdag ng Senador ang naibayad na P2.24 bilyon ay sapat na para nakapagpatayo ng sarili at permanenting bahay ang Senado.

Giit pa ni Lacson, hindi naman sila ang makikinabangan sa itatayong bagong Senate building kundi ang mga susunod ng Senador at higit sa lahat ang taumbayan.

Facebook Comments