Dingdong at Marian Dantes, wala na daw time sa isa’t-isa?

Manila, Philippines – Inamin ngayon ng showbiz couple na sina Dingdong at Marian Rivera Dantes na bihira na silang magkita sa kanilang bahay.

Nabatid kasi na kapwa may pinagbibidahang mga teleserye ang dalawa kaya’t nauubos ang oras nila sa shooting.

Pero ayon kay Dingdong, bagamat busy at halos wala ng oras, sinusulit naman daw nila ang mga panahon nagkakasama sila ni Marian.


Iniisip na lang daw nila ni Marian na hindi naman pangmatagalan ang showbiz kaya’t hanggang kaya ay mag-iipon sila para sa kanilang kinabukasan at sa nag-iisa nilang anak.

Thankful din sila sa kanilang mother network dahil naiintindihan at may mga pangangalaga sila sa mga artistang mayroong nang pamilya.

Facebook Comments