Dingdong Dantes at Ice Seguerra, tinawag na “dilawan” at “makakaliwa” ni Cardema

“Dilawan” at “Makakaliwa”

Ito ang tawag ni dating National Youth Commission Chairperson Ronald Cardema kina Dingdong Dantes at Ice Seguerra dahil sa mga hakbang na pumipigil sa kanya na makaupo bilang mambabatas sa 18th Congress.

Binanatan din ni Cardema ang iba pang dating NYC officials na kumampi kina Dantes at Seguerra na nanawagan ng “outright dismissal” sa Commission on Elections (Comelec) hinggil sa kanyang petisyong italagang Duterte youth representative sa Kamara.


Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Cardema na lumakas ang youth recruitment ng NPA dahil sa napabayaan ito.

Si Cardema ay naging kontrobersyal matapos magbitiw bilang NYC chairman para maging nominee sa Duterte Youth Party-List.

Ang partylist organization na pinamumunuan ni Cardema ay naghain ng substitution of nominee isang araw bago ang May 13 midterm elections.

Facebook Comments