Dingdong Dantes, ipinagmalaki ang epekto ng K-drama sa mga Pilipino

Ipinagtanggol ng aktor na si Dingdong Dantes ang epekto ng K-drama sa maraming Pilipino kasabay ng hirap na nararanasan ng bansa dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Dingdong, imbes na maging banta sa Filipino entertainment industry ay nagiging inspirasyon pa ito upang mawala ang pagkainip sa loob ng bahay.

Itinuturing naman na mahalaga ng aktor ang panonood ng K-dramas dahil sumasalamin sa totoong buhay ang karamihan sa mga tema nito na swak sa taste ng mga Pinoy.


Mahalaga kasi aniya sa isang entertainer na maipakita sa publiko ang totoong nagaganap sa lipunan, na magiging tulong para maging isang better person.

Matatandaang si Dingdong ang gumanap na bida sa Filipino adaptation ng hit K-drama series na “Descendants of the Sun” na nagwagi ng Most Popular Foreign Drama of the Year sa 15th Seoul International Drama Awards.

Facebook Comments