DINUKOT | 2 Indonesian na bihag ng Abu Sayyaf, pinalaya

Sulu – Pinalaya ng Abu Sayyaf Group ang dalawang bihag nilang Indonesian nationals.

Sa ulat, idinala ang dalawang bihag na sina La Utu Bin La Raali at La Kadi La Edi sa mismong bahay ni Sulu Governor Abdusakur Tan, Sr. tsaka ito sinundo ng mga sundalo ng Joint Task Force Sulu.

Mahigit isang taon hawak ng mga bandido ang dalawang dayuhan matapos silang dukutin sa karagatang sakop ng Malaysia noong Nobyembre 4, 2016.


Sumailalim sa medical examination at debriefing ang mga dayuhan.

Facebook Comments