DINUKOT | Dalawang babaeng pulis at dalawa pang sibilyan, dinukot ng Abu Sayyaf Group sa Patikul Sulu

Sulu – Sapilitang tinangay ng bandidong grupong Abu Sayyaf ang dalawang babaeng pulis at dalawang sibilyan sa Barangay Liang Patikul Sulu ng tanghali kahapon.

Sa ulat na pinadala ni Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana alas 12:40 ng tanghali kahapon sakay ng tricycle na may body number 1899 at markings na Igasan Family ang mga biktima na patungo sana sa Timog na bahagi ng Sulu nang harangin ng labing isang mga miyembro ng ASG.

Kinilala ang dalawang pulis na sina Police Officer 2 Benierose Alvarez at Police Officer 1 Dinah Gumahad kapwa nakatalaga sa Police Regional Office 9 ng PNP Crime Laboratory.


Habang ang dalawang sibilyan ay kinilalang sina Jakosalem Ahamad Blas residente ng Gandasuli Patikul Sulu at Faizal Ahidji.

Nagsasagawa na ngayon ng pursuit operation ang militar at pulisya upang maligtas ng buhay ang mga kidnap victims.

Facebook Comments