Libya – Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tatlong Pinoy technician ang dinukot ng mga armadong lalaki sa bansang Libya.
Ito ay matapos lumabas ang isang video ng mga ito na humihingi ng tulong sa pamahalaan ng Pilipinas kasama ang isang South Korean na bihag rin doon.
Ayon kay DFA Assistant Secretary Elmer Cato, pinasok ng mga armadong lalaki ang waterworks project site sa Tripoli at Dykutin ang tatlong Pinoy noong July 6.
Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang DFA kaugnay sa insidente.
Gayunman, tiniyak ni Cato na nakikipag-ugnayan na sila sa mga awtoridad ng Libya para sa ligtas na pagpapalaya sa mga dinukot na Pinoy.
Samantala, nagpadala na ng warship ang Korea sa Libya sakaling kailanganin umano ang suporta ng kanilang militar para mapalaya ang mga bihag.