Maingat ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa kanilang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng 7 Filipino seafarers na kinidnap ng mga armadong lalake sa Nigeria.
Ayon sa DFA, Sabado nang bihagin ang 12 crew members ng Swiss-owned vessel na MV Glarus sa karagatang sakop ng Nigeria, sa nabanggit na bilang 7 dito ay pawang mga Pinoy.
Ayon sa Philippine Embassies sa Abuja at Berne, nakikipag-ugnayan sila ngayon sa mga kinauukulan ng Nigeria at Switzerland upang malaman ang iba pang impormasyon na makakatulong sa pagsagip sa mga tripulante.
Sa impormasyon mula kay Ambassador to Nigeria Shirley Ho Vicario 5 iba pang Pinoy seafarers at 2 foreign nationals ang iniwan sa barko at nakaligtas mula sa abduction.
Samantala, inatasan naman ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang Office of Migrant Workers Affairs na agad magbigay ng kinakailangang assistance o tulong sa pamilya ng 7 tripulanteng Pinoy na kasama sa mga binihag.