Dinukot na konsehal ng Jolo, Sulu – pinalaya na

Sulu – Pinalaya na ng Abu Sayyaf Group ang konsehal ng Jolo, Sulu na dinukot nila nitong nakalipas na September 27 sa pagitan ng Barangay Timbangan at Tagbak Indanan, Sulu.

Pinakawalan si Jolo Councilor Zed Tan alas -9:29 ng gabi kagabi sa Barangay Buru, Talipao, Sulu na ngayon ay nasa piling na ng kanyang pamilya.

Agad itong isinailalim sa medical examination sa Camp Bautista Station Hospital sa Busbus Jolo, Sulu na ngayon ay nasa maayos na kondisyon na.


Isinalang rin si Tan sa debriefing bago tuluyang itinurn-over ng militar sa kanyang pamilya

Hindi naman tinukoy ng militar kung nagbayad ng ransom ang kanyang pamilya.

Facebook Comments