Dinukot na Chinese national sa Bulacan, sangkot sa illegal POGO operation

Kinumpirma ni Philippine National Police PIO Chief PBGen. Jean Fajardo na sangkot sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO ang dinukot na Chinese national sa Bustos, Bulacan kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Fajardo, base ito sa resulta ng isinagawang initial profiling ng PNP Anti-Kidnapping Group.

Aniya, nakapagbayad na ng P5-M na ransom ang kaanak ng biktima pero hindi pa rin ito napapalaya.


Sa ngayon, inaalam na ng mga awtoridad kung saang bansa napunta ang ibinayad na ransom dahil ito ay idinaan sa pamamagitan ng cryptocurrency.

Nakikipag-ugnayan na aniya ang PNP-AKG sa foreign counterpart nito upang alamin kung saan at sino ang tumanggap ng ransom.

Si Zhongjian Jiang ay tinangay ng apat na armadong mga lalake habang ito ay nangingisda kasama ang iba pang Chinese nationals sa Angat River malapit sa Bustos Dam, Barangay Tibagan, Bustos, Bulacan, kahapon ng ala-una ng madaling araw.

Facebook Comments