Manila, Philippines – Dagsaan at pumipila ang mga pulis dahil hindi lamang isa kundi 2 ang tinatawag na Honesty Store sa MPD Headquarters.
Bukod sa itinayong Honesty Store sa lobby ng MPD Headquarters na ibinida ni Manila District Director Police Chief Superintendent Rolando Anduyan ay may isa pang Matatag Store na nakapwesto naman sa loob ng tanggapan ng MPD Special Weapons and Tactic Group o SWAT Team.
Ayon kay MPD SWAT Chief Police Senior Inspector Reynante Parlade , na layun naman nitong makapagserbisyo sa mga nakararamdam ng konting gutom o uhaw sa mga miyembro ng MPD SWAT Team at sa iba pang mga pulis Maynila na regular na nagsasanay sa kanilang pagpapahusay sa gun safety at paggamit ng kanilang mga service fire arms.
Paliwanag ni Senior Inspector Parlade masusubok ang katapatan ng mga pulis, na tama ang kanilang ibinabayad at tama rin ang kanilang isinusukli sa kanilang sarili para naman napapalitan rin ng tama at maayos ang kanilang mga paninda.
Dagdag pa ng opisyal kung kaya ang pagiging matapat ng mga taga Batanes at disiplina ng mga taga -Subic at SBMA sa Zambalez, walang dahilan para hindi ito magawa sa MPD at sa iba pang panig ng bansa.