
Nanawagan ang Diocese of Kalibo na ipanalangin ang pinaslang na si Ibajay, Aklan Vice Mayor Julio Estolloso.
Batay sa post ng Diocese, ang pinaslang na bise alkalde ay kapatid ng isa nilang pari na si Fr. Jose Estolloso.
Pumanaw ang vice mayor matapos pagbabarilin sa kaniyang opisina ngayong Biyernes ng umaga.
Ang suspek, miyembro ng Sangguniang Bayan na si Mihrel Senatin.
Samantala, hiling din ng Diocese na ipanalangin ang pamilya Estolloso dahil sa kanilang kasalukuyang pinagdaraanan.
Facebook Comments









