Inihayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno na isa ang Pilipinas sa nangungunang bansa sa Asya na may mabilis na pag-angat ng eknomiya.
Sa press briefing sa Malacañang sinabi ni Secretary Diokno na sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan umabot sa 5.9 percent ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas.
Kung ikukumpara aniya sa ibang mga bansa sa Asya mataas ang GDP rate na ito ng Pilipinas sa bansang Vietnam, Indonesia, China, Malaysia at Singapore.
Ayon pa sa kalihim, ang 5.9 percent GDP ng Pilipinas para sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan ay nagbebenepisyo ang lahat ng sektor sa bansa.
Aniya, 6.8 percent ang positive growth para sa services, 5.5 percent ang positive growth para sa industriya at 0.9 percent ang positive growth para sa agrikultura.
Umaasa naman ang kalihim na mas aangat at bibilis pa ang GDP ng Pilipinas sa susunod na taon.