Dumagsa ang libong bisita sa Dipalo Eco Park sa San Quintin noong long weekend.
Sa datos ng pamunuan ng pasyalan, lumobo pa sa 8,736 katao ang bumisita noong August 24 mula sa higit 5,000 turista noong nakaraang linggo.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay San Quintin Mayor Farah Lumahan, tiniyak nito ang suporta sa patuloy pang development sa mga pasilidad ng eco park.
Mula August 1-24, kabuuang P234,780 ang kinita ng Dipalo Eco Park higit pa sa kabuuang kinita nito sa nakalipas na anim na taon.
Hiling naman ng pamunuan ang karagdagang palikuran, onsite material recovery facility, vermi composting facility at 24/7 na operasyon ng CCTV.
Kaugnay nito, hinihikayat ng lokal na pamahalaan ang pagtalima sa responsableng pagtatapon ng basura at pagbabawal sa pag-inom o pagdadala ng alcoholic beverages sa loob ng parke upang maiwasang maulit ang nangyaring panggulo dahil sa kalasingan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









