DIPALO RIVER PARK SA SAN QUINTIN, KUMITA NG ABOT P434K SA ISANG BUWAN

Tumaas pa ang naipong revenue mula sa dinarayong Dipalow Eco Park sa San Quintin nitong Setyembre.

Sa pagtatala ng pamunuan, umabot sa P433,955 ang kabuuang kinita nito sa loob ng isang buwan, pinakamataas sa kabuuang kinita sa parehong buwan sa loob ng labing limang taon.

Doble rin ang naturang halaga mula sa kabuuang higit P234,000 na revenue collection noong Agosto.

Noong nakaraang buwan din inumpisahang ipatupad ang pagtaas sa singil sa entrance fee na nasa P20 mula sa dating P5 para sa pagpapabuti pa ng operasyon ng parke partikular sa pamamahala sa basura.

Tiniyak ng pamunuan ng pasyalan na direktang pumapasok sa Municipal Treasury ang revenue collection na nakakapag-ambag para sa ibang proyekto sa bayan.

Facebook Comments