Patuloy na pinagtitibay ng Pilipinas at Estados Unidos ang kanilang ugnayang diplomatiko sa pamamagitan ng mga programang nakatuon sa komunidad at kabataan.
Ayon kay George Mesthos, Deputy Director for Public Engagement ng US Embassy sa Pilipinas, binibigyang-pansin ng kanilang mga inisyatibo ang pangangailangan ng mga lokal na pamayanan, partikular na ang mga nasa coastal areas.
Kahapon, isinagawa ang Sports Diplomacy: Basketball Clinic sa lungsod ng Alaminos, kung saan pinangunahan ng dating NBA Champion na si Sam Vincent at WNBA Champion na si Taj McWilliams-Franklin ang pagsasanay ng 50 estudyante mula sa iba’t ibang paaralan.
Ayon kay McWilliams-Franklin, ang sports ay nagsisilbing tulay upang pag-isahin ang mga tao anuman ang kanilang pinagmulan o pagkakaiba.
Binigyang-diin naman ni Vincent ang kahalagahan ng teamwork at pagkakaisa ng kaisipan upang makamit ang tagumpay sa iba’t ibang larangan.
Samantala, sinabi ni Cloyd Peter Lalas, hepe ng Alaminos City Youth and Sports Development Office, na umaasa siyang magsisilbing hakbang ito para mapaunlad hindi lamang ang kasanayan ng kabataan sa paglalaro, kundi pati na rin ang kanilang disiplina na maaari nilang isabuhay sa labas ng court.
Facebook Comments









