Diplomatic at special passport holders ng Pilipinas at Qatar, hindi na obligadong kumuha ng visa

Hindi na obligadong kumuha ng visa ang mga diplomatic at special passport holders ng Pilipinas at Qatar.

Ito ang isa sa mga naselyuhang kasunduan nina Qatari Amir Sheikh Tamim Bin Hamad Al Thani at Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa bilateral meeting ngayong araw.

Sa iprinisentang kasunduan, naka-waive na ang visa requirements ng mga Filipino o Qatari nationals na may diplomatic, special, o official passports para sa isang official mission sa magkabilang bansa.


Bahagi ito ng pagsusulong ng dalawang lider na patatagin pa ugnayan ng Pilipinas at Qatar sa government-to-government at people-to-people level.

Gayunpaman, limitado lamang ito sa loob ng 30 araw na pananatili sa Pilipinas o Qatar.

Maliban dito, kailangan pa rin ang visa sa mga Pilipino na may hawak na regular o ordinaryong passport.

Facebook Comments