Maghahain ng protesta ang Pilipinas sa mapanganib na aksyon ng dalawang fighter jets ng China sa eroplano ng Philippine Air Force sa West Philippine Sea.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Colonel Medel Aguilar, pangungunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protest laban sa China.
Sinabi ni Aguilar na sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ay iligal ang pagpasok ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Nabatid na inikutan ng dalawang fighter jets ng China ang A29B Super Tucano ng Philippine Air Force habang nagsasagawa ng aerial patrol sa Hubo Reef bilang bahagi ng Maritime Cooperative Activity sa pagitan ng AFP at Australian Defense Force (ADF).
Sa kabila ng insidente ay naging matagumpay ang misyon ng AFP at ADF na walang untoward incident.
Kahapon, nagtapos ang tatlong araw na maritime activity ng Pilipinas at Australia na layuning paghusayin ang maritime interoperability at pagkakaibigan sa pamamagitan ng pagtataguyod sa international law para sa mapayapa at ligtas na Indo-Pacific region.