Diplomatic protest kaugnay ng mga underwater drone na nakuha sa iba’t ibang bahagi ng bansa, hindi pa naihahain ng DFA

Hindi pa nagsasampa ng diplomatic protest ang Department of Foreign Affairs (DFA) kaugnay ng mga submersible o underwater drone na nakuha sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon sa Foreign Affairs Department, wala pa kasing bansa ang umamin na sila nga ang may-ari o gumamit ng drone.

Hindi kasi puwedeng magsampa agad ng diplomatic protest o ng kaso ang DFA hangga’t hindi pa sigurado.

Kasunod nito, nakikipag-ugnayan na ang ahensya sa iba pang departamento at humingi na ng tulong sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para makakalap pa ng impormasyon ukol sa mga submersible drone.

Matatandaang mula 2022 hanggang 2024, na-recover sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang limang underwater drones at nakapagpadala ng impormasyon na makatutulong sa war fair kung saan ang isa rito ay nakapagpadala ng impormasyon sa bansang China.

Facebook Comments